Home NATIONWIDE Comelec maglalabas ng digital IDs para sa overseas voters

Comelec maglalabas ng digital IDs para sa overseas voters

MANILA, Philippines- Nakatakdang magpalabas ng Commission on Elections (Comelec) ng digital identification cards para sa mga botanteng Pilipino sa ibang bansa.

Sinabi ng Comelec na maaari ring gamitin ang digital voter’s ID bilang alternatibong ID para sa pagpaparehistro sa pilot internet voting sa May 2025 elections.

“Maliban sa passport, dapat meron silang nagagamit na isa pang valid ID. Ang naisip natin digital ID,” pahayag ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia.

Mag-iisyu ang Comelec mga alituntunin sa pagkuha ng digital IDs sa Lunes, Hulyo 15, base sa opisyal.

Kasado ang pre-registration period para sa overseas voters na makikilahok sa internet voting mula Pebrero 12, 2025 hanggang Mayo 12, 2025, kung saan kinakailangang magsumite ng  impormasyon at government-issued identification documents.

Noong Nobyembre 2023, inanunsyo ng Comelec na ipatutupad nito ang internet voting para sa overseas Filipinos sa 2025 polls upang pataasin ang voter turnout at gawing madali ang pagboto para sa kanila. RNT/SA