Home OPINION ANONG WALA O DEPEKTO NG PINAS SA TURISMO?

ANONG WALA O DEPEKTO NG PINAS SA TURISMO?

SINUSUBAYBAYAN natin ang turismo sa ibang mga bansa.

Kabilang sa mahahalagang nagaganap sa mga araw na ito ang pag-ayaw na ng mga gobyerno o mamamayan kaya sa mga dayuhan na pumunta sa kani-kanilang mga lugar.

Sa Barcelona City, Spain, may pagkilos ang mga mamamayan na palayasin ang mga turistang nasa 8 milyon taon-taon at nilulusob nila ang mga restoran at umpukan ng mga turista saka binobombahan ng tubig mula sa mga baril na plastik.

Kaya naman, nagkakandalugi-lugi ang mga restoran sa paglayas ng mga turistang kumakain nang hindi nagbabayad, mga hotel na nilalayasan, mga tindahan para sa memorabilia iba pa.

Sa Japan naman, kinokontrol nang husto ng pamahalaan ang kalsada at pasukan papuntang Mt. Fuji sa pamamagitan ng pagtatayo ng barikada upang matakpan ang nasabing sikat na bundok.

Reklamo ng mga nakatira sa lugar, nilalabag ang mga batas trapiko ng mga jaywalker at sobra ang pagtatapon ng basura ng mga turista.

Gawa ang mga ito nasa 3 milyong turista mula sa kabuuang 32 milyon sa buong Japan na dumarating sa lugar sa mga buwan ng Marso at Abril lamang.

Sa Amsterdam City, The Netherlands, namimili at nililimitahan na nila ang dami ng mga turista na nasa 9.4 milyon mula sa kabuuang 22 milyon taon-taon at dapat umanong hindi na 24 oras na bukas ang mga establisimyento.

Pangunahing mga British at Germans na kalalakihan ang mga turista na pumupunta roon para sa walang patumanggang sex, paghitit ng droga lalo ang marijuana, at grupo-grupong stag party na magdamagan na nakasisira na sa ordinaryong buhay sa nasabing lungsod at gusto ng mga taga-Amsteram na mabago ito.

Sa Pinas, nagkakandakuba ang ating pamahalaan sa pag-anyaya sa mga turista na nitong nakaraang taon ay umabot sa 5.45 milyon lamang ngunit para sa buong Pilipinas.

Anong depekto ang Pinas at kakarampot ang dumarating na dayuhang turista rito kahit gabutil ng mais ang pawis natin sa pag-anyaya sa kanila?