Home NATIONWIDE Comelec magsasampa ng kaso vs nagpapakalat ng ‘white paper’

Comelec magsasampa ng kaso vs nagpapakalat ng ‘white paper’

89
0

MANILA, Philippines – Pinag-iisipan na ng Commission on Elections (Comelec) na magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng dokumento o white paper upang sirain ang integridad ng komisyon.

Sa press conference, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na handa nilang harapin ang walang basehan na mga paratang.

Hayagan din niyang hinahamon ang mga nag-aakusa na ipakita ang kanilang ebidensya sa hukuman, sang-ayon sa mahigpit na pamantayan ng ating hudikatura na tungkulin ng nag-aakusa na magpakita ng katibayan.

Sinabi ni Garcia na ang pagpapalaganap ng mga mapanirang bintang ay dapat may katuwang na pananagutan.

Kumpiyansa ang Comelec na ang kasalukuyang imbestigasyon ng ibat-ibang ahensya ay magpapatunay na ang mga paratang na umiikot ay walang basehan.

Siniguro rin ng komisyon na ang lahat ng mga nagkakalat ng mga walang saysay na kasinungaligan ay mananagot sa batas.

Kasabay nito, mariing kinokondena ng buong komisyon ang mga nagpapakalat ng mga kabulaanan upang pahinain ang konstitusyon at pabagsakin ang tiwala ng publiko para lamang pagsilbihan ang interes ng iilan.

Ayon kay Garcia, kasamahang komisyuners, empleyado at filed officer, mananatili silang pursigido, matatag at tutok sa kanilang preparasyon para sa papalapit na halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here