MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Commission on Elections ang maling impormasyon na nagsasabing ang halalan sa Mayo 12 ay inilipat sa mas maagang petsa, kasabay ng bala sa publiko laban sa mas maraming disinformation at maling impormasyon habang papalapit ang Eleksyon 2025.
Sa isang panayam, tinuligsa ni Comelec Chairman George Garcia ang umano’y advisory sa social media na ang midterm polls ay inilipat sa Mayo 10, 2025 dahil sa matinding init bilang ‘fake news’.
Giit ni Garcia na walang makakapigil sa kasalukuyan halalan sa Mayo 12 dahil ito ay nakalagay sa Saligang Batas.
Inulit din ni Garcia na ang social media advisory na umano’y kailangan ang national IDs ay kailangan para makaboto ay hindi rin totoo.
Binatikos ng Comelec nitong weekend bilang “fake news” ang isang advisory na kumakalat online na nagsasabing “No National ID, No Vote.”
Giit ng Comelec, lahat ay makakaboto kahit walang ID basta ang pangalan ay nasa listahan sa labas ng presinto, sa loob ng presinto, sa precint finder, sa voters information sheet o sa voters assistance desk.
Sinabi ni Garcia na iniimbestigahan pa kung sino ang nasa likod ng maling impormasyon.
Sinabi rin niya na maaaring target ng mga nagpapakalat ng fake news na babaan ang voter turnout para sa mga botohan ngayong taon at pahinain ang integridad at kredibilidad ng Eleksyon 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden