Home NATIONWIDE Comelec nakapagtala ng 277 kaso ng abuse of state resources sa nagdaang...

Comelec nakapagtala ng 277 kaso ng abuse of state resources sa nagdaang midterm polls

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Commission on Elections (Comelec) ng 277 kaso ng pang-aabuso sa state resources (ASR) sa nagdaang midterm polls.

Sa exit conference ng Committee on Kontra Bigay (CKB), inilarawan ni Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr. ang ASR bilang isang “insidious and systemic form of electoral interference.”

Batay sa datos ng CKB, kasama ang 277 insidente ng ASR na iniulat noong May elections ang 76 sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng tulong ng gobyerno, 56 partisan political activities ng mga tauhan ng gobyerno, 31 paglalagay ng campaign materials sa mga pampublikong lugar at 28 paggamit ng pampublikong pondo.

Bukod sa ASR, nakatanggap din ang komite ng 722 vote-buying reports, kabilang ang 321 na pamamahagi ng pera, 119 na umano’y government cash assistance, 99 pamamahagi ng anumang may halaga at 82 pamimigay ng goods.

Sa kabuuan, may kabuuang 999 ASR at vote-buying reports at reklamo ang natanggap ng Comelec noong May 12 elections, mas mababa sa 1,226 na ulat at reklamo noong 2022 elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden