Home NATIONWIDE Comelec nakapagtala ng 99. 997% accuracy sa random manual audit

Comelec nakapagtala ng 99. 997% accuracy sa random manual audit

MANILA, Philippines- Nagpakita ng 99.997% accuracy ang mga makinang ginamit sa Halalan 2025 sa automated elections kung saan malapit nang matapos ang random manual audit (RMA).

Mga 762 ballot boxes ang napili para sa RMA.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na inaasahang gagawin sa Lunes ang statistics ng natapos na audit.

Ang katumpakan ng RMA para sa 2022 election ay 99.94%.

Noong Mayo, opisyal na sinimulan ng Comelec ang RMA para sa 762 randomly selected clustered precincts at isang online voting post para sa 2025 national at local elections. Ito ay nakatakdang tumagal ng hanggang 45 araw.

Sa panahon ng RMA, 60 auditing teams mula sa Department of Education ang inatasang suriin ang performance ng automated counting machines (ACMs) at suriin ang mga balota mula sa clustered precincts para i-validate ang kanilang katumpakan.

Nagsasaad sa Seksyon 29 ng Automated Election System (AES) Act na magkaroon ng random manual audit sa isang presinto bawat congressional district na random na pinili ng Comelec sa bawat lalawigan at lungsod kung saan ginagamit ang automated election system.

Ayon kay Garcia, ang RMA ay nagpapanatli ng 99.9% accuracy rate mula noong 2010 automated elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden