Home NATIONWIDE Comelec: Pagbasura sa COC ni Mayor Teodoro pwede pang bawiin kung…

Comelec: Pagbasura sa COC ni Mayor Teodoro pwede pang bawiin kung…

Maaaring ibasura ng Commission on Elections ang naunang desisyon nito na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro para sa Marikina 1st District representative kung maghaharap siya ng mga bagong argumento o ebidensya sa kanyang motion for reconsideration, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia, puwedeng magkaroon ng reversal ang division.

Nilinaw din ni Garcia na ang desisyon ng Comelec 1st Division na idiskwalipika si Teodoro bilang kandidato ay hindi pa pinal at executory at nananatiling napapailalim sa motion for reconsideration.

Paliwanag ng Comelec, hindi puwedeng ipatupad ang desisyon kapag naghain ng mosyon at kapag aabutin sa pag-imprenta ng balota, makakasama pa rin ang pangalan ni Teodoro sa balota.

Samantala, nagpahayag naman ng buong-suporta ang mga Marikeños sa kanilang mayor kasunod ng desisyon ng Comelec 1st Division na kanselahin ang kanyang COC dahil sa umano’y material misinterpretation sa kanyang place of residence .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)