Home NATIONWIDE Credentials ng newly-designated envoys sa Manila tinanggap ni PBBM

Credentials ng newly-designated envoys sa Manila tinanggap ni PBBM

2
0

MANILA, Philippines – TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang credentials ng dalawang newly-appointed ambassadors to the Philippines sa Palasyo ng Malakanyang.

Unang nagpresenta ng kanyang credentials si Peru Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary Carmen del Rocio Azurin Araujo, sinundan naman ni Maria Lourdes Bernadette Banson, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Sovereign Military Hospitaller Order of St. John of Jerusalem of Rhodes and of Malta (SMOM).

Si Araujo ay first resident ambassador to the Philippines ng Peru sa mahigit na dalawang dekada kasunod ng muling pagbubukas ng Peruvian Embassy sa Maynila noong 2025.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang muling pagbubukas ng embahada ay “marks a very important landmark” sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Peru.

“I am certain that with the reopening of the embassy, we will have many opportunities together to deepen, strengthen, and widen the relationship between Peru and the Philippines,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, si Araujo ay nangako naman na palalakasin ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng Lima at Maynila sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Sa ulat, itinatag ng Pilipinas at Peru ang pormal na diplomatic relations noong November 1974, at nakatakdang markahan ang 52 taon ng bilateral relations ngayong taon.

Tinitingnan din ng Pangulo na mas palakasin pa ang pagtutulungan sa ‘humanitarian and social initiatives’ sa pagitan ng Pilipinas at Sovereign Military Order of Malta.

“With your background in the Philippines, I am sure that there will be much that we can do together in furthering the ideals and the aspirations that the Order has been created for,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Banson.

Samantala, napanatili naman ng Pilipinas at Sovereign Military Order of Malta ang diplomatic relations ng 61 taon simula nang itatag ang ugnayan noong April 1965. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here