Home NATIONWIDE Comelec: Petisyon vs Tulfos malapit nang pagpasyahan

Comelec: Petisyon vs Tulfos malapit nang pagpasyahan

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections noong Martes na malapit na itong magpasya sa isang petisyon na naglalayong idiskwalipika sina Rep. Erwin Tulfo, Rep. Jocelyn Tulfo, Rep. Ralph Wendel Tulfo, Wanda Teo, at Ben Tulfo mula sa pagtakbo sa 2025 midterm polls.

Ngayong Martes, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ipara-raffle ng poll body ang disqualification petition na inihain ng abogadong si Virgilio Garcia sa mga dibisyon ng Comelec.

Ayon kay Garcia, ang dibisyon ng poll body ang magpapasya sa disqualification plea bago ang halalan sa Mayo.

Pagtitiyak ni Garcia, lahat ng pending na petition ay dedesisyunan bago mag-eleksyon upang hindi na maulit ang pangyayaring eleksyon na ay nariyan pa ang mga kaso at minsan ay dalawang eleksyon na ang nakalipas pero nakabinbin pa rin ang mgas kaso at hindi pa nareresolba.

Sinabi rin ni Garcia na ang disqualification petition ay hinggil sa umano’y pagiging bahagi ng mga Tulfo ng political dynasty, na lumalabag sa Section 26 ng Artikulo II ng 1987 Costitution.

Ang mga panukalang batas na naglalayong tukuyin at ipagbawal ang political dynasties, gayunman, ay humina sa Kamara.

Sa political dynasties, hindi naman nagbigay ng opinyon si Garcia at sinabing magiging bahagi siya sa dibisyon na magpapasya sa disqualification plea.

Inihayag niya, gayunman, na maaaring sinusuri ng mga petitioner ang probisyon ng Konstitusyon sa political dynasties upang magkaroon ng jurisprudence sa usapin.

Sinabi ng petitoner na si Virgilio Garcia sa kanyang petisyon na ang respondents ay bahagi ng parehong pamilya, isang arrangement na ipinagbabawal sa ilalim ng 1987 Constitution.

Kabilang sa mga ipinitisyon sina:

  • Rep. Erwin Tulfo na tumatakbo bilang senator sa May elections

  • Rep. Jocelyn Tulfo, reelectionist, maybahay ni Sen. Raffy Tulfo.

  • anak ni Jocelyn at Raffy na si Rep. Ralph Tulfo – reelectionist para sa Quezon City’s 2nd district.

  • Tulfo-Teo, unang nominado ng Turismo party-list habang si Ben Tulfo ay tumatakbong senador. Jocelyn Tabangcura-Domenden