Home NATIONWIDE Comelec sa mga kandidato: Pista ng Itim na Nazareno ‘wag politikahin

Comelec sa mga kandidato: Pista ng Itim na Nazareno ‘wag politikahin

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga political aspirants para sa 2025 midterm elections na huwag gamitin ang Pista ng Itim na Nazareno para sa political purposes.

Binigyang-diin ni Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr., na ang kaganapan, lalo na ang Traslacion procession sa Enero 9, ay isang okasyong panrelihiyon, hindi pampulitika.

Bagama’t pinapayagan ang mga aspirante na ipagdiwang ang Kapistahan at tumulong sa mga deboto, dapat silang umiwas sa pamamahagi ng mga materyales sa halalan o pagsusuot ng mga kamiseta ng kampanya.

Hinimok ni Maceda ang mga kandidato na hindi pa tumatakbo na iwasang pamulitika ang mga ganitong relihiyosong kaganapan. RNT