MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Malacañang na nasa kamay na ng Kongreso ang desisyon kung sususpindihin ang kauna-unahang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ipinaliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na habang pinahahalagahan ng Pangulo ang rehiyon, maingat na pinag-aaralan ng Kongreso ang panukala.
Noong Disyembre 17, inaprubahan ng House of Representatives ang isang panukalang batas na nagre-reschedule sa halalan ng BARMM mula Mayo 2025 hanggang Mayo 2026, na naglalayong wakasan din ang termino ng kasalukuyang Bangsamoro Transition Authority (BTA) kapag nalagdaan na bilang batas.
Hindi pa napagdesisyunan ng Pangulo kung sertipikahang urgent ang panukalang batas.
Ang ilang mga kritiko, tulad ni House Deputy Minority Leader Mujiv Hataman, ay nangangatuwiran na ang pagpapaliban sa halalan ay maaaring makasira sa awtonomiya ng BARMM at magsulong ng patronage politics. RNT