Home NATIONWIDE Comelec, sinimulan pag-imprenta ng mahigit 133K balota para sa November special polls

Comelec, sinimulan pag-imprenta ng mahigit 133K balota para sa November special polls

1
0
(via Danny Querubin)

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng mahigit 133,000 opisyal na balota para sa Naga City plebiscite at Batanes special election na kapwa idaraos sa Nobyembre.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, isinagawa ang ballot printing sa National Printing Office sa Quezon City at target ng poll body na matapos agad ang proseso dahil limitado lamang ang bilang ng kailangang balota.

Kabuuang 13,138 balota ang inilaan para sa Naga City plebiscite, habang 120,720 balota naman ang iimprenta para sa special election sa Batanes — katumbas ng 133,858 balota.

Sinabi ni Laudiangco na natapos na ang pag-imprenta ng mga balota para sa Naga City plebiscite nitong Martes ng umaga.

Matapos nito, inayos ang configuration at settings ng mga printer at nagsagawa ng panibagong testing bago simulan ang ballot printing para sa Batanes.

Idaraos sa Nobyembre 21 ang plebisito sa Naga City upang pagbotohan ang ratipikasyon ng Proclamation No. 1267 na nagdedeklara sa lungsod bilang Highly Urbanized City.

Samantala, nakatakda sa Nobyembre 28 ang special election sa Batanes upang punan ang nabakanteng posisyon ng kinatawan ng Lone Legislative District ng lalawigan.

Nabakante ang puwesto kasunod ng pagpanaw ni Rep. Ciriaco Gato Jr. noong Setyembre 21.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here