Home NATIONWIDE Comelec tatalima sa desisyon ng SC sa apela ng Smartmatic vs DQ

Comelec tatalima sa desisyon ng SC sa apela ng Smartmatic vs DQ

MANILA, Philippines- Handang sumunod ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines.

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na hindi pa nila natanggap ang order mula sa Korte Supremaa na itigil ang kanilang paghahanda para sa midterm polls sa susunod na taon.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, tinutulan ng Smartmatic ang legalidad ng diskwalipikasyon nito sa proseso ng pag-bid ng poll body para sa 2025 automated election system sa Korte Suprema.

Gayunman, isinantabi ni Garcia ang posibilidad ng pagsasagawa ng manual elections.

Ayon kay Garcia, hindi maaring gamitin ang manual elections dahil maaring malabag ng Comelec ang batas.

Giit ni Garcia, maari lamang gamitin ang automated elections sa 2025 pollsdahil ito ang itinakda ng batas.

“You have to automate the national and local elections. So kung ano po yung magiging (whatever is the) disposition, iyan naman po ay part ng proseso (that is part of the process) pero in the meantime, the Comelec will have to proceed,” sabi ni Garcia sa press briefing.

Binanggit ni Garcia na ang pakikitungo sa komisyon ay nasa maayos at pagsunod sa batas partikular sa Government Procurement Reform Act.

Nitong Lunes, ang Comelec kasama ang joint venture Miru Systems Co.Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation, at Centerpoint Solutions Technologies Inc. (MIRU-ICS-STCC-CPSTI), ay lumagda ng P17 bilyong kontrata sa Comelec para sa 2025 elections.

Naghain ng bid ang Miru Systems na P17.98 bilyon para sa proyekto na kinabibilangan ng paggawa ng 110,000 automated counting machines at balota bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePetisyong ihirit sa Comelec na magsagawa ng public consultation sa election system ibinasura ng SC
Next articlePanukalang pagbawi sa SMNI franchise aprub sa House panel