Home HOME BANNER STORY Panukalang pagbawi sa SMNI franchise aprub sa House panel

Panukalang pagbawi sa SMNI franchise aprub sa House panel

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng House of Representatives committee on legislative franchises ang panukalang nagsusulong na bawiin ang prangkisang ibinigay sa Sonshine Media Network International (SMNI) kaugnay ng ilang paglabag nito, base sa mga mambabatas.

Sa pagdinig ng panel nitong Martes ng hapon, inaprubahan ni committee chair at Parañaque 2nd District Representative Gus Tambunting ang House Bill No. 9710 ni 1-Rider party-list Representative Ramon Rodrigo Gutierrez nang walang amendments.

Inaprubahan din ng panel ang committee report na naglalaman ng panukala.

Inisyal na inimbestigahan ng Kamara ang SMNI o Swara Sug Media Corporation, matapos akusahan ni ‘Laban Kasama ang Bayan’ program host Jeffrey Celiz si Romualdez ng paggastos ng P1.8 bilyon sa kanyang mga biyahe noong 2023.

Nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco na ang kabuuang travel cost para sa lahat ng House members at kanilang staff mula January 2023 hanggang October 2023 ay P39.6 million lamang.

Napag-alaman din sa mga pagdinig sa network ang posibleng paglabag sa prangkisa nito.

Ayon kay Pimentel, sinisilip nila ang tatlong posibleng violations ng prangkisa ng SMNI:

  • “Section 4 mandates SMNI or Swara Sug Media Corporation — the legal name of SMNI — to “provide at all times sound and balanced programming”

  • Section 10 which mandates SMNI to inform Congress about the sale of the company to other owners or other major changes

Section 11 which mandates the SMNI to offer at least 30 percent of its stock to the public.” RNT/SA

Previous articleComelec tatalima sa desisyon ng SC sa apela ng Smartmatic vs DQ
Next articleState Secretary Blinken bibisita sa Pinas – US exec