Home NATIONWIDE State Secretary Blinken bibisita sa Pinas – US exec

State Secretary Blinken bibisita sa Pinas – US exec

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng isang White House official nitong Martes na nakatakdang bumisita si United States Secretary of State Antony Blinken sa Pilipinas sa mga susunod na linggo.

Inihayag ni US Secretary of Commerce Gina Raimondo sa pulong ng Filipino at American businesses sa Makati City, na ipinakikita ng pagbisita ng US officials ang mensahe na ang Pilipinas ay mahalagang katuwang para sa US.

“(T)he message is–the United States [is] committed to the Philippines, (that it) is going to continue to show up in the Philippines. And I think Secretary Blinken will be here in a week or so,” wika ni Raimondo.

Ito ang magiging ikalawang opisyal na pagbisita ni Blinken sa Manila mula noong Agosto 2022.

Sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, California noong November 2023, nakipagpulong si Blinken kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang selyuhan ng Pilipinas at ng US ang 123 Agreement, o ang civil nuclear cooperation deal.

Binigyang-diin ni Raimondo ang mahalagang relasyon ng US sa Pilipinas sa rehiyon, na mayroong 72 taon ng bilateral relations, na inilarawan niyang “iron clad.”

Kabilang sa White House officials na bumisita sa Manila sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon sina US Vice President Kamala Harris, Blinken, Secretary of Defense Lloyd Austin, Raimondo, at United States Trade Representative Katherine Tai. RNT/SA

Previous articlePanukalang pagbawi sa SMNI franchise aprub sa House panel
Next articleDOH sa PhilHealth: Primary care benefits palawigin