Home NATIONWIDE DOH sa PhilHealth: Primary care benefits palawigin

DOH sa PhilHealth: Primary care benefits palawigin

MANILA, Philippines- Naglabas ng direktiba si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang palakasin ang primary care benefits sa pamamagitan ng “Konsulta” benefit package sa buong bansa.

Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos, inatasan ng kalihim ang Benefits Committee (Bencom)  ng PhilHealth na isama ang ultrasound at mammogram services sa kasaluyang package.

“I have directed the PhilHealth Benefits Committee, chaired by Asec.Domingo, to work on adding ultrasound and mammogram services to the current nationwide Konsulta benefit package , for immediate implementation nationwide,” binigyan-diin ni Herbosa.

“This initiative aligns with our commitment to sustainable financing of preventive health services,” dagdag pa ng kalihim.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng saklaw para sa mahahalagang serbisyo ng screening, nilalayong pagaanin ang pasanin sa mas mataas na antas ng mga ospital sa loob ng network ng healthcare provider.

Binigyan-diin ng DOH na ang desisyon ay kasunod ng mga panawagan ni House Speaker Martin Romualdez at iba pang mamababatas kabilang si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo para sa PhilHealth na mag-subsidize ng mga bayarin sa ospital sa mga pribadong ward at palawigin ang saklaw na mga serbisyo ng primary care screening.

Ang PhilHealth Bencom na pinamumunuan ni OIC Assistant Secretary of Health Dr. Albert EDrralin Domingo ay nakatakdang magpulong ngayong Martes ng hapon, Marso 12, upang talakayin ang mga detalye ng implementasyon.

Susundan ito ng regular meeting ng PhilHealth Board of Directors sa Miyerkules, Marso 13.

Bukod dito, si Domingo na kumakatawan kay Chairman Herbosa sa PhilHealth Board of Directors ay pinagtibay ang pahayag na binanggit ang pagsunod sa mga direktiba ni Pangulong Marcos Jr. at sa kahilingan ni Speaker Romualdez na kinumpirma ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleState Secretary Blinken bibisita sa Pinas – US exec
Next articlePH Navy personnel sinanay sa pagmamaniobra sa S. Korean-made small ships