Home NATIONWIDE PH Navy personnel sinanay sa pagmamaniobra sa S. Korean-made small ships 

PH Navy personnel sinanay sa pagmamaniobra sa S. Korean-made small ships 

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Navy (PN) nitong Martes na sinimulan nitong sanayin ang mga tauhan nito kung paano gamitin ang South Korean-made small ships na nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sinabi ni PN spokesperson Commander John Percie Alcos na ang mga barkong ito ay ang dalawang guided missile corvettes na kasalukuyang binubuo ng HD Hyundai Heavy Industries (HHI) shipyard sa Ulsan, South Korea.

“The first corvette will be coming in during the second semester of next year, the PN has been preparing for that already, we have been training people, we have been organizing them,” wika ni Alcos.

Aniya pa, inumpisahan na ng Navy ang pagbili ng “necessary equipment” upang maging epektibo ang PN personnel “when these new acquisitions arrived.”

Ayon kay Alcos, itatalaga ang PN crew members na magmamaniobra sa mga bagong baarko sa South Korea upang magsanay kasama ang “original equipment manufacturers”.

Binubuo ang corvettes ng state-of-the-art weapons, sensors at systems na makatutugon sa iba’t ibang maritime security situations.

Magagamit din ang corvettes sa anti-air, anti-surface, and anti-submarine warfare operations.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang unang corvette sa Pilipinas sa 2025 habang darating ang ikalawa sa 2026.

Lumagda ang Department of National Defense ng P28-billion contract sa HHI para sa pagbili ng dalawang brand-new corvettes para sa PN noong Dec. 27, 2021. RNT/SA

Previous articleDOH sa PhilHealth: Primary care benefits palawigin
Next articleRevenue collection tataas, smuggling mababawasan – Sinag