Home NATIONWIDE Revenue collection tataas, smuggling mababawasan – Sinag

Revenue collection tataas, smuggling mababawasan – Sinag

Manila, Philippines-Inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na inaasahang tataas ang revenue collection at mababawasan ang smuggling sa napipintong kumpirmasyon ni Secretary Ralph Recto bilang pinuno Department of Finance.

“It is high time that the DOF will be headed by someone who is not only competent in the field of finance and economics; but more who had deep understanding of the agriculture sector,” sabi ni SINAG Chair Rosendo So.

Ayon kay So, naging pangunahing kaalyado nila si Recto sa pagsasabatas ng Rice Tariffication Law at paglantad ng problema ng agricultural smuggling at iba pang iligal na kalakalan na nakaaapekto sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

“We are confident that the narrative of further tariff reduction of agri commodities will be reversed under the leadership of Secretary Recto,” ayon kay So.

Bilang Secretary of Finance, na nangangasiwa sa Bureau of Customs, nakatuon ito na tapusin ang talamak na praktis ng ‘undervaluation’ at ‘misdeclaration’ ng agricultural imports na nagkait sa gobyerno na kinakailangang kita o revenue.

“Naniniwala tayo na ‘di tulad ng mga dating kalihim ng DOF, papanig si Secretary Recto sa kapakanan ng mga magsasaka,” pagpapatuloy ni So.

Sinusuportahan din ni Recto ang pagtatayo ng kauna-unahang Cold Examination Facility in Agriculture (CEFA), isang state-of-the-art examination facility sa Angat, Bulacan.

“CEFA is crucial in our efforts in strengthening our first border inspections capabilities that will lessen, if not totally eradicate, agricultural smuggling. We are looking forward in finally working with the DOF, thru the leadership of Secretary Ralph Recto,” sabi ng grupo. RNT

Previous articlePH Navy personnel sinanay sa pagmamaniobra sa S. Korean-made small ships 
Next articlePinas patuloy na nakikipag-ugnayan sa foreign gov’t para sa proteksyon ng Filipino seafarers sa Red Sea