Home NATIONWIDE Comelec umaasa, 70M balota maiimprenta nang mas maaga sa iskedyul

Comelec umaasa, 70M balota maiimprenta nang mas maaga sa iskedyul

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na matatapos ang pag-imprenta ng humigit-kumulang 70 milyon official ballots para sa may 2025 elections nang mas maaga sa iskedyul sa pamamagitan ng paggamit ng apat na printing machines ng National Printing Office (NPO).

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na ang karagdagang makina ay maaaring umakma sa dalawang HP PageWide Advantage 2200 printer a ibinibigay ng service provider na Miru Systems.

Sa apat na NPO machines at dalawang HP printers, sinabi ni Garcia na ang pag-imprenta ng balota ay matatapos nang mas maaga kaysa sa inaasahan.

Ang mga HP printer, na inihatid ng Miru noong Oktubre, ay naka-istasyon sa opisina ng NPO sa Quezon City.

Ang pagganap ng mga makinang ito ay susuriin sa unang pito hanggang 10 araw pagkatapos ang pag-imprenta na magsisimula sa Enero 6.

Plano ng Comelec na simulan ang pag-imprenta ng mga balota sa susunod na buwan bilang bahagi ng paghahanda nito para sa 2025 elections.

Plano ng Comelec na simulan ang pag-imprenta ng mga balota sa susunod na buwan bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 2025 elections.

Nauna nang sinabi ng komisyon na inaasahang matatapos ang pag-imprenta ng mga balota sa Marso. Jocelyn Tabangcura-Domenden