Home NATIONWIDE Pay rules sa 2025 holidays, inilabas na ng DOLE

Pay rules sa 2025 holidays, inilabas na ng DOLE

MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pay rules para sa mga empleyado na mag-uulat para sa trabaho sa regular holidays, special non-working days at special working days sa 2025.

Sinabi ni DOLE Secretary Benvenido Laguesma na ang paglabas ng Labor Advisory No. 16 ay alinsunod sa Proclamation No. 727, na nagdedeklara sa holidays para sa 2025.

Sa ilalim ng pay guidelines, ang mga manggagawa na mag-uulat para sa duty sa regular holidays ay dapat bayaran ng sumusunod:

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang employer ay magbabayad ng 100% ng sahod ng empleyado para sa araw na iyon, sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa araw bago ang regular na holiday. Kung ang araw bago ang regular holiday ay isang araw na walang pasok sa establisyimento o ang nakatakdang araw ng pahinga ng empleyado, siya ay may karapatan sa holiday pay kung ang empleyado ay nag-ulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa ang araw bago ang araw na walang pasok o araw ng pahinga (Basic wage x 100%).

Para sa trabaho na ginawa sa regular holiday, ang employer ay dapat magbayad ng kabuuang 200% ng sahod ng empleyado para sa araw na iyon.

Para sa trabahong ginawang lampas sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng oras-oras na rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho).

Para sa trabaho na ginawa sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng pangunahing sahod na 200% (basic wage x 200% x 130%).

Babayaran naman ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw ang mga mangagagwa na nagtrabaho sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado (Hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho).

Idineklara bilang regular holiday ang Enero 1 (Bagong Taon), Abril 9 (Araw ng Kagitingan), Abril 17 (Maundy Thursday), Abril 18 (Biyernes Santo), Mayo 1 (Araw ng Paggawa), Hunyo 12 (Araw ng Kalayaan), Agosto 25 (Araw ng Pambansang Bayani), Nobyembre 30 (Araw ng Bonifacio), Disyembre 25 (Araw ng Pasko), Disyembre 30 (Araw ng Rizal), at ang mga petsa sa paggunita sa Eidul Fitr, at Eidul Adha.

Ang trabaho para sa special non-working holidays ay dapat bayaran ng sumusunod:

Kung hindi magtrabaho ang empleyado, ang prinsipyong “no work, no pay” ay ilalapat maliban kung may paborableng patakaran ng kumpanya, kasanayan o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa isang espesyal na araw.

Para sa trabahong ginawa sa espesyal na araw, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng pangunahing sahod sa unang walong oras ng trabaho (Basic wage x 130%).

Para sa trabahong ginawa ng higit sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 130% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho).

Para sa trabahong ginawa sa espesyal na araw na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 50% ng pangunahing sahod sa unang walong oras ng trabaho (Basic wage x 150%).

Para sa trabahong ginawa nang higit sa walong oras sa espesyal na araw na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 150% x 130 % x bilang ng mga oras na nagtrabaho).

Kasama sa Special non-working holidays ang August 21 (Ninoy Aquino Day), November 1 (All Saints’ Day), December 8 (Feast of the Immaculate Concepcion), December 31 (huling araw ng taon).

Samantala, ang mga empleyado na magre-report para sa tungkulin sa panahon ng mga special working holidays ay babayaran tulad ng sumusunod:

Ito ay dapat ituring bilang isang ordinaryong araw ng pagtatrabaho para sa layunin ng pagbabayad ng sahod at mga benepisyong nauugnay sa sahod.

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang “no work, no pay” principle ay dapat ilapat maliban kung may paborableng patakaran ang kumanya ,kagawian o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa special working day.

Para sa trabaho na ginawa sa ordinaryong working day, ang empleyado ay dapat bayaran ng 100% ng sahod ng empleyado para sa nasabing araw para sa unang walong oras (Basic wage x 100%).

Para sa trabahong ginawa ng higit sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 25% ng hourly rate sa nasabing araw (Hourly rate ng basic wage x 125%).

Noong Nobyembre, inilabas ng Malacañang ang listahan ng regular at special non-working holidays para sa taong 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden