Home NATIONWIDE Comelec: Unang araw ng COC filing matagumpay; Batanes nag-extend ng voter registration...

Comelec: Unang araw ng COC filing matagumpay; Batanes nag-extend ng voter registration kasabay ng filing

MANILA, Philippines- Matagumpay ang unang araw ng Certificate of Candidacy (COC) filing ngayong Oktubre 1 sa buong bansa, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa isang press conference pagkatapos ng nasabing aktibidad.

Ayon kay Garcia, batay sa monitoring operation center ng Comelec, walang kahit isa na nagdulot ng kaguluhan o disturbance sa COC filing nitong Martes.

Nagpasalamat din si Garcia sa mga katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng seguridad at kaayusan sa unang araw ng COC, CON-CANĀ  filing kabilang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), mga kawani ng komisyon lalo na ng law department ng Comelec, gayundin ang pamunuan ng Manila Hotel.

Samantala, sinabi ni Garcia na nag-extend ng voter registration ngayong araw sa Batanes na isa sa mga probinsyang naapektuhan ng bagyong Julian.

Ayon kay Garcia, base sa kanilang natanggap na impormasyon mula sa kanilang regional office, ang extension ng voter registration sa Batanes ay kasabay na rin ng paghahain ng kanilang COC sa halip na humingi ng karagdagang araw.

Kaugnay pa rin sa unang araw ng COC filing, sinabi ni Garcia na mas mababa ang datos sa unang araw na paghahain ng kandidatura ngayon para sa May 2025 midterm elections kumpara sa mga nagdaang mga halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden