Home ENTERTAINMENT Netizens, ‘binalaan’ si Carlos sa pagpapakasal kay Chloe!

Netizens, ‘binalaan’ si Carlos sa pagpapakasal kay Chloe!

Manila, Philippines- Love filled the air as Carlos Yulo and his girlfriend Chloe San Jose celebrated their 52nd monthsary.

Makikita sa social media ang mga sulat with the couple professing their love for each other.

“Mahal” ang term of endearment nila sa isa’t isa.

Sulat kamay as in handwritten ang ibinigay ni Olympic two-time gold medalist kay Chloe, expressing how thankful he is sa mga sakripisyo nito.

Pero ang hindi matanggap ng mas nakakarami ay ang pahayag ni Carlos na handa na raw siyang maging tatay ng magiging anak nila ng nobya.

But of course, it would mean that Carlos has to marry Chloe first.

Dito na sa bahaging ito pumasok ang mga may ayaw kay Chloe for Carlos.

Payo nila sa atleta, huwag magpadalus-dalos.

Pero mas marami ang nagsasabing mas immediate na dapat gawin ni Carlos ay makipagkasundo muna sa kaalitang pamilya.

Simple lang ang paliwanag ng mga netizens–these are the same people expected to show up at the wedding.

Anong saysay daw na ikakasal si Carlos kung wala naman doon ang kanyang pamilya?

Hindi maubos maisip ng mga netizens na between his family and Chloe ay ang huli pa rin ang mananaig sa puso ni Carlos.

“Good luck na lang sa pagsasama nila!” may pagkasarkastikong sabi ng mga ito. Ronnie Carrasco III