Home HOME BANNER STORY Mga Pinoy sa Israel pinag-iingat ng PH Embassy kasunod ng Iran attack

Mga Pinoy sa Israel pinag-iingat ng PH Embassy kasunod ng Iran attack

MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Philippine Embassy ang local Filipino community na magtungo sa “protected spaces” matapos maglunsad ng Iran ng ballistic missiles sa Israel nitong Martes.

Sinabi pa ng Embahada na dapat tumalima ang mga Pilipino sa mga alituntuning inisyu ng Home Front Command.

“Mag-ingat po tayong lahat. Ang inyong kaligtasan ay mahalaga sa amin.”

Kasunod ang abiso ng paglunsad ng Iran ng ballistic missiles sa Israel nitong Martes, bilang ganti sa kampanya ng Israel laban sa mga kaalyado ng Hezbollah sa Lebanon.

Sa ulat ng Reuters, “Alarms sounded across Israel and explosions could be heard in Jerusalem and the Jordan River valley after Israelis piled into bomb shelters.” RNT/SA