MANILA, Philippines- Mental health issues ang itinuturong dahilan ng pag-drop out ng college students kaysa sa academic difficulty.
Ito ang isiniwalat ni Commission on Higher Education Chairperson Propero “Popoy” de Vera sa pagdinig na ginawa ng Senate finance subcommittee hinggil sa panukalang P31.6 billion budget para sa taong 2025 ng CHED.
Inurirat kasi ni Senator Joel Villanueva ang “alarming number” ng college students na nag-drop out sa mga nakalipas na taon.
Ipinakita ni Villanueva ang datos ng attrition rate noong 2021 kung saan mayroon itong 40.6% habang 39.2 naman noong 2022.
Para sa Class 2022, tinukoy ni Villanueva, ang data ng CHED na nagpapakita na pito mula sa 17 rehiyon sa bansa ay mayroong mahigit na 50% attrition rate, ang pinakamataas na naitala ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 93.4%.
Sinabi ni De Vera na ang data mula 2021, 2022 at 2023 ay “little different” dahil sa COVID-19 pandemic.
Subalit matapos ang pandemya, ang pinakabago aniyang attrition rate ay “high 20s” na aniya ay “actually comparable with other countries in the region and the world.”
Sa kabilang dako, ang mga estudyante na huminto sa kanilang pag-aaral ay may mga dahilan na:
hirap sa pinansyal kabilang na ang gastos sa transportasyon, pagkain, internet at graduation fees.
Family problem
Relocation
Mental health concerns
Academic difficulty