MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog nitong madaling araw ng Miyerkules sa Quezon City na tumupok sa isang commercial establishment, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ang sunog ay tumama sa establisimyento sa kanto ng Belfast Avenue at Quirino Highway sa Barangay Pasong Putik, Novaliches, na nagsimula bandang 4:40 a.m. at umabot sa fifth alarm bandang 5:16 a.m.
Ayon sa BFP, patuloy pang nilalabanan ng mga bumbero ang apoy noong oras ng ulat. Santi Celario