Home HOME BANNER STORY Comprehensive Sexuality Education napakahalaga – PBBM

Comprehensive Sexuality Education napakahalaga – PBBM

MANILA, Philippines- Tanggap ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang pangangailangan na tugunan ang teenage pregnancy sa gitna ng paguusap ukol sa implementasyon ng   Comprehensive Sexuality Education (CSE).

Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na tumataas ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa.

“Well, as long as – ‘yun na nga, because you know what, I think what you are talking about dumadami ang teenage pregnancy, dumadami ang single mothers, dumadami ang sakit na…” ayon kay Pangulong Marcos.

“And even… Kasama na rin diyan, pagka teenager ‘yung nanay, hindi marunong alagaan ‘yung bata. Hindi nila alam – marunong alagaan ang sarili nila ‘pag buntis sila. Kung anong kakainin; kung nanganak na, kung ano ang ipapakain doon sa bata,” dagdag na wika nito.

Sinabi ng Pangulo na ang pagtuturo ng CSE sa mga estudyante ay “very important.”

“These are all of the things that we need to address. And so, the teaching of this in our schools is very, very, very important,” giit pa niya.

“And to make young people, especially, knowledgeable about what are the options that are truly available to us, and what the consequences are – what the consequences are of having a child too soon, too early,” ang sinabi ng Pangulo.

Idinagdag pa nito na ang kabataan kapag nagkakaanak ay nasa ‘very difficult situation’ kapwa para sa mga bata at mga magulang.

Nauna rito, ipinahayag naman ng National Coalition for the Family and the Constitution (NCFC) ang alalahanin nito sa konsepto gaya ng “gender fluidity” at “sexual diversity,” contraception, abortion, at non-traditional relationships sa ilalim ng CSE.

Sinabi ng grupo na ang mga paksa ay taliwas sa traditional Christian at Islamic morality ukol sa  family life.

Samantala, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na nakikinig ang departamento sa sentimyento ng publiko kaugnay sa mga hakbang, sinabi na ang ahensya ay bukas sa suhestiyon na may kaugnay sa kanilang pagsisikap. Kris Jose