MANILA, Philippines- Pinigilan ng Supreme Court (SC) ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdikwalipika sa tatlong local government candidates para sa 2025 National and Local Elections.
Naglabas ang SC ng temporary restraining orders (TROs) para hindi maipatupad ang magkakahiwalay na resolusyon ng Comelec.
Kabilang sa inisyuhan ng TRO ng korte ay ang kaso ni Mary Grace R. David, kandidato bilang vice mayor ng Limay, Bataan. Una nang hindi tinagngap ng Comelec ang petition for substitution and inclusion in the official list of candidates.
Inatasan ng SC ang Comelec na maghain ng komento sa naturang petisyon sa loob ng 15 araw.
Nagpalabas din ng TRO ang korte sa resolusyon ng Comelec na nagdedeklara na isang nuisance candidate si Mary Dominique A. Onate na tumatakbo bilang mayor ng Palompon, Leyte.
Inatasan ng SC ang Comelec at si Myra Georgina Arevalo na maghain ng komento sa petisyon ni Oñate sa loob ng 10 araw.
Pinigilan rin ng SC na maipatupad ang resolusyon ng Comelec na nagkansela sa certificate of candidacy ni Aldrin Sta Ana na tatakbo bilang mayor ng Bocaue, Bulacan. Teresa Tavares