Home NATIONWIDE Confi funds ni PBBM pinasisilip ni VP Sara sa Kongreso

Confi funds ni PBBM pinasisilip ni VP Sara sa Kongreso

MANILA, Philippines – HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na silipin at imbestigahan ang Office of the President (OP) kung saan natuklasan ng Commission on Audit (COA) na top confidential at intelligence fund spender para sa 2023.

Sinabi ni VP Sara na hindi dapat sini-single out ng mga kongresista ang Office of the Vice President (OVP) kung nais talaga ng mga ito na magpasa ng batas ukol sa paggamit ng confidential funds.

“If you are in aid of legislation and want to legislate about confidential funds, you do not target one office and terrorize and torment the employees of that office. What you do is you do a sampling, a random sampling of the offices who have confidential funds,” ayon kay VP Sara.

“Why not call the Office of the President who has billions and billions of confidential funds if you want to legislate about the confidential funds? So that shows that they’re singling out the Office of the Vice President. And I really feel that it’s very disrespectful to the Office of the Vice President,” dagdag na wika nito.

Napaulat kasi na base sa COA Annual Financial Report, ang OP sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nananatiling nasa pinakamataas na halaga ng confi funds, nananatiling pareho ang antas noong nakaraang taon.

Gumastos ang OP ng P2.25 billion para sa confidential funds at P2.31 billion naman para sa intelligence funds, kapuwa noong 2023, may kabuuang P4.56 billion.

Para sa mga mambabatas, binigyang katarungan nito ang trabaho at obligasyon ng Pangulo, bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, na tugunan ang mga alalahanin sa national security.

Bilang tugon sa mga natuklasang iregularidad sa paggamit ng confidential at intelligence fund ng Office of the Vice President at DEPED sa ilalim ni VP Sara, isang panukalang batas na maghihigpit sa paggamit at pag-audit ng confidential at intelligence fund ang inihain sa Kamara.

Pinangunahan ng House Blue Ribbon Committee ang paghahain ng House Bill 11192 o Confidential and Intelligence Funds Utilization and Accountability Act

Tutugunan anila nito ang kakulangan sa Joint Circular 2015-01 patungkol sa guidelines ng paggamit at liquidation ng confidential funds partikular ang mga isinusumiteng dokumento sa pinaggamitan nito.

Sa ilalim ng panukala tanging mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman at mandato sa national security, peace and order at intelligence gathering ang maaaring paglaanan ng CIF.

Ang halaga ng CIF ay hindi dapat hihigit sa 10 percent ng kabuuan nitong annual budget, maluban na lang kung papahintulutan ng batas.

Hindi maaari gamitin ang CIF sa operational expenses ng ahensya maliban na lang kung ito ay may kagunayan sa peace and order o intelligence gathering.

Lahat ng national agencies, local government units at government corporations ay aatasan na isumite ang report sa paggamit ng CIF sa COA para sa pagsusuri.

Ang summary ng pinaggamitan at halaga ng ginamit na pondo ay isasapubliko sa paraan na hindi makakasama sa national security o law enforcement operations.

Nakasaad din sa panukala na oras na isyuhan ito ng COA ng notice of disallowance ay mawawla ang confidentiality status at agad na ide-declassify.|

Sa kabilang dako, sinabi ni VP Sara na hindi naman niya iniiwasan ang anumang tanong hinggil sa paggamit ng confidential fund ng kanyang tanggapan, subalit inamin nito na hindi lamang aniya siya sumasagot sa mga tanong dahil sa kadahilanang ang topic ay “pertains to national security and the lives of the people involved in intelligence operations.”

“In fact, two quarters of the Department of Education are already cleared by the Commission and Audit, but it is still being questioned inside the committee in the House of Representatives. So that is the reason why I am not answering questions from the House of Representatives, plus the fact that, as I said, it is an attack. It is a political attack,” aniya pa rin.

Samantala, nanawagan din si VP Sara sa mga miyembro ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos na igalang ang OVP.

“Respect begets respect. So if they want respect, they should first respect the Office of the Vice President. That is what I was saying if they don’t like me, they don’t like my version, they don’t like Sara Duterte, but they have to respect the Office of the Vice President. So if they want to investigate confidential funds, they don’t single out one office,” aniya pa rin.

Si VP Sara ay kasalukuyang nahaharap ngayon sa dalawang impeachment complaints sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang una rito ay isinumite ng advocacy groups na may kaugnayan sa di umano’y korapsyon, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes.’ Ang nasabing reklamo ay inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.

Ang pangalawang impeachment complaint ay inihain naman ng mahigit sa 70 kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, naka-angkla ang di umano’y betrayal of public trust na may koneksyon sa maling paggamit ng confidential funds. Inendorso naman ito ng progresibong Makabayan bloc. Kris Jose