Home NATIONWIDE Cong-elect Joey Uy, posibleng makasuhan ng misrepresentation at perjury – Comelec

Cong-elect Joey Uy, posibleng makasuhan ng misrepresentation at perjury – Comelec

MANILA, Philippines – Makaraang bawiin ng Comelec Second Division ang proklamasyon ni 6th District Congressman-elect Joey Uy, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na posible siyang makasuhan ng misrepresentation at perjury.

Ito ay ayon sa pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa isang online briefing, ngunit ito ay kung magiging final at executory na ang desisyon.

Inihalimbawa rin ni Garcia ang nangyari kay dating Bamban Mayor Alice Guo na sinibak matapos mapag-alamang hindi pala tunay na Pilipino.

Dahil napawalang-bisa ang pagkapanalo at proklamasyon ni Uy matapos lumabas na hindi ito Pilipino batay sa kaniyang citizenship, pagsapit ng Hunyo 30 ay babalik si Rep. Benny Abante sa kanyang puwesto.

Ngunit hinihintay pa nila kung maghahain ng mosyon ang respondents.

Ibig sabihin, posibleng hindi pa rin maiproklama si Abante kahit may inilabas nang desisyon ang poll body.
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)