Home METRO Construction worker, utas; lola sugatan sa pamamaril sa Valenzuela

Construction worker, utas; lola sugatan sa pamamaril sa Valenzuela

185
0

MANILA, Philippines – Binaril at napatay ang isang construction worker habang sugatan naman ng isang Lola nang paputukan ng isang lalaki kahapon napaulat sa Valenzuela City.

Ang biktimang kinilalang si Pepito, 50, residente ng Barrio Bitik, Brgy., Gen T De Leon ay nasawi habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kanyang leeg.

Samantala isinasailalim din sa gamutan sa nasabing hospital ang 63- anyos na lola na kinilala sa alyas na “Gerlie” ng Brgy. Marulas sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang binti.

Naaresto naman sa follow up operation ng mga tauhan ng Valenzuela CPS ang suspek na si alyas “Doddie”, 47, ng Anak Dalita Compound, Brgy., Marulas na positibong kinilala ng saksing 33-anyos na factory worker.

Sa ulat na nakarating kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Serrano St., Barangay Marulas.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na habang nakatayo ang biktima sa tabi ng kanyang bisikleta sa nasabing lugar kausap ang dalawang lalaki, dumaan ang suspek at nakita siya nito.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang suspek na armado ng baril at binaril ang biktima na tumagos ang bala sa leeg saka tumama sa matigas na bagay at nahagip naman ang lolang si Gerlie.

Makaraan ang pamamaril, tumakas ang suspek patungong Anak Dalita Compound kung saan siya nasakote ng pulisya.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naganap na pamamaril. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here