Home METRO Container van sumabit sa footbridge, taxi nabagsakan

Container van sumabit sa footbridge, taxi nabagsakan

MANILA, Philippines- Sumabit ang isang container van sa footbridge sa bahagi ng panulukan ng Abad Santos at C.M Recto sa Maynila dahilan para mabagsakan ang unahang bahagi ng isang taxi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay tractor head na may trailer ang southbound ng Abas Santos nang pagsapit sa kanto ng Recto Avenue, ang itaas na bahagi ng cargo container ay tumama sa ilalim na bahagi naman ng footbridge.

Minamaneho ni Jomar Oliveros ng Caloocan City ang tractor head nang mangyari ang insidente.

Bunsod nito, nakalas sa pagkaka-lock ang trailer at natulak paatras sa bandang kaliwa saka bumagsak sa unahan ng isang kasunod na taxi na Toyota Sedan Vios (NFF 3444) na minamaneho ni Lito Cinco ng Muntinlupa City.

Dahil dito, ang nasabing mga sasakyan ay nagkaroon ng mga pinsala.

Maswerte namang walang sugatan sa naturang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden