Home METRO Bebot timbog sa P29.7M tobats sa NAIA

Bebot timbog sa P29.7M tobats sa NAIA

219
0

MANILA, Philippines- Nasa mahigit P29 milyong halaga ng shabu ang naharang sa isang 43-anyos na Pilipina makaraang tangkain nitong ipuslit papasok ng bansa ang bitbit na kontrabando sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nahuli ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang suspek na si ‘Lyn’ pagdating mula sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Customs International Arrival Area ng NAIA Terminal 3 bandang ala-1:35 ng hapon nitong Sabado.

Nabatid na nadiskubre ang nasa 4.368 kilo ng shabu na nakatago sa loob ng improvised black duct tape pouch sa bagahe ng nasabing pasahero makaraang isailalim ito sa pagsusuri ng imigrasyon.

Dinala ang suspek at mga ebidensya sa PDEA Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o mas kilala na Comprehensive Drug Act of 2002 at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here