Home SPORTS Converge reserve guard Mac Tallo huli sa paglalaro sa ligang labas

Converge reserve guard Mac Tallo huli sa paglalaro sa ligang labas

Nasa hot water si Converge FiberXers reserve guard Mac Tallo matapos lumabas ang mga larawan at video ng Cebuano guard na naglalaro pabalik sa kanilang bayan sa Sinulog Cup, kung saan hinirang pa siyang MVP.

Makikita sa mga larawan at video sa social media ang pagsusuot ni Tallo ng Z’Nars Jewelry jersey sa laro na na-stream pa ng live sa dating PBA star at Cebu councilor na si Dondon Hontiveros Facebook page apat na araw na ang nakararaan.

Tinalo ng koponan ni Tallo ang OCCCI sa final, 95-89.

Hindi malinaw kung ilang laro ang nilaro ni Tallo sa pocket tournament, ngunit nilinaw ni Converge team manager Jacob Lao na hindi humingi ng permiso sa PBA team ang kamakailang pinirmahang guard para sa mga laro sa Sinulog Cup.

“Hindi po siya nagpaalam. I was in Dubai during the game and wala ako natanggap or ‘yung team ng text message from him asking for permission,” ani ng anak ng soft-spoken na Strong Group Athletics Philippines owner Frank Lao.

“Dapat nga po may written letter ‘yung paalam n’ya then nagsusulat kami sa PBA na ina-allow namin siya. Wala pong prosesong ganun so I think there was a violation,” ani Lao.

Pinapirma ang six-foot guard ng Converge ng dalawang taong kontrata bago magsimula ang season ngunit naantala ang kanyang debut matapos lumabas na mayroon siyang naunang anim na buwang suspensiyon mula sa epekto ng kanyang nakaraang PBA stint sa NLEX.

Sa ilalim ng guidelines ng PBA, walang manlalaro maging nasa active o reserve list ang maaaring maglaro sa mga walang sanction na tournament, na mas kilala sa tawag na ‘ligang labas’ games.

Maging ang mga paglabas bilang guest player ay dapat munang i-clear sa PBA at sa mother ballclub ng mga manlalaro.

Inihayag ni Lao na nasa kontrata si Tallo sa Converge hanggang sa susunod na season na magbabayad sa kanya ng suweldong P300,000 kada buwan. Ang FiberXers ay lilipat na ngayon para sa pagwawakas ng kontratang iyon, dagdag niya.

“Hindi ko na po alam iba ko pa sasabihin kasi nanghihinayang po ako sa chance nya and I need not mention the salary we gave him, it’s much bigger than other players pa nga in the league,”dagdag nito.

Hiniling na ng Converge management ang team alternate governor na si CK Kanapi-Daniolco na magsagawa ng imbestigasyon at agad na ibigay dito pati na rin sa PBA Commissioner’s Office ang buong ulat.JC