Home NATIONWIDE PAGASA: 1 o walang bagyong nakaambang pumasok sa PH ngayong Pebrero

PAGASA: 1 o walang bagyong nakaambang pumasok sa PH ngayong Pebrero

MANILA, Philippines- Posibleng pumasok sa bansa ang isang tropical cyclone ngayong buwan o maaaring wala, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sinabi ni Pagasa specialist Benison Estareja na batay sa historical trends, mababa ang posibilidad na may mabuong tropical cyclone sa Philippine area of responsibility (PAR) o pumasok dito ngayong buwan ng Pebrero.

“Inaasahan po for this month zero or one po tayo at kung may bagyo na pumasok ng ating PAR, papangalanan po natin itong Aghon,” paliwanag niya.

Sakaling tumama ang tropical cyclone sa bansa, ito ang unang bagyong mararanasan sa Pilipinas para sa taong ito, dagdag niya.

Ayon pa kay Estareja, sakaling magkaroon ng weather disturbance ngayong Pebrero, mayroong dalawang posibleng mangyari.

Isa rito ay ang tropical cyclone na mabubuo sa silangan ng Mindanao at papalapit sa Visayas at Mindanao na posibleng mag-landfall.

Aniya pa, maaari ring mabuo ang tropical cyclone sa Pacific Ocean at pumasok sa PAR subalit lilihis mula sa bansa.

Ayon sa weather bureau, apat hanggang pitong tropical cyclones ang inaasahang mabubuo sa loob o papasok ng PAR mula Pebrero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon.

Karamihan sa mga ito, o halos 70 porsyento, ang nabubuo tuwing peak typhoon season pagsapit ng Hulyo hanggang Oktubre, batay sa Pagasa. RNT/SA

Previous articleConverge reserve guard Mac Tallo huli sa paglalaro sa ligang labas
Next articleP1.4M ilegal na droga nasamsam sa 2 tulak sa Navotas