Home LIFESTYLE HEALTH Conversion therapy sa LGBTQ+, kinondena ng PAP

Conversion therapy sa LGBTQ+, kinondena ng PAP

1
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Psychological Association of the Philippines (PAP) ang conversion therapy at iba pang kahalintulad na gawain na naglalayong baguhin o supilin ang sexual orientation o gender identity ng mga LGBTQ+.

Ayon sa PAP, walang sapat na siyentipikong ebidensya na epektibo ang conversion therapy at maaari itong magdulot ng matinding sikolohikal at psychosocial na pinsala. Inilabas ng organisasyon ang pahayag matapos makatanggap ng ulat tungkol sa isang training program na umano’y nagpo-promote ng mga paraang maituturing na conversion therapy.

Binigyang-diin ng PAP na ang mga ganitong gawain ay nagdudulot ng stigma at diskriminasyon laban sa LGBTQ+ Filipinos at salungat sa etikal at evidence-based na pamantayan sa larangan ng sikolohiya.

Nanawagan ang PAP sa mga propesyonal at organisasyong nagsasagawa ng mga training program na tiyaking ang kanilang mga nilalaman, pamamaraan, at mga tagapagsanay ay naaayon sa kasalukuyang siyentipikong ebidensya at mga pamantayang etikal.

Nagbabala rin ang organisasyon na kung magpapatuloy ang promosyon o pagsasagawa ng conversion therapy, maaari itong humantong sa mga kaukulang aksyong etikal, propesyonal, at legal. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here