Home HOME BANNER STORY Convoy ni Chavit dumaan sa EDSA busway, tinekitan ng MMDA

Convoy ni Chavit dumaan sa EDSA busway, tinekitan ng MMDA

MANILA, Philippines – Naharang at natekitan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang convoy ni dating Ilocos Sur governor Luis Chavit Singson matapos na dumaan sa EDSA busway nitong Lunes ng umaga, Abril 8.

Ayon kay Gabriel Go, Officer in Charge ng MMDA Special Operations Group Strike Force, nahuli ng ahensya ang dalawang sasakyan ni Singson. Ito ay ang armored vehicle niya kasama ang isa pang SUV.

Dahil dito ay pinatawan ng P5,000 multa ang convoy dahil sa pagdaan sa exclusive busway.

Mahigpit na ipinagbabawal na dumaan sa EDSA busway ang mga pribadong sasakyan. RNT/JGC