MANILA, Philippines – Siniguro ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na walang shortage sa suplay ng bigas sa kabila ng nararanasang El Nino.
Ayon kay SINAG executive director Jason Cainglet, tinataya ng Department of Agriculture na magkakaroon na rin ng bahagyang pagbaba sa presyo ng bigas.
“May bahagyang pagbaba sa presyo ng bigas.. pero hindi na nating inaasahang bababa pa ng P46-P48 oer kilo dahil mataas pa rin ang kuha ng palay,” ani Cainglet sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.
“Hindi pa rin bumababa ang farm gate price ng palay, nasa 23 per kilo pa rin ang sariwa o ang bagong ani. Pag tuyo, nasa 28 hanggang 29 / kilo,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inaasahan niyang bababa ang presyo ng bigas sa ikalawang bahagi ng taon.
Ang kasalukuyang presyo ng bigas ay mula P47 hanggang P57 kada kilo.
“Ang problema talaga ngayon yung presyo, talagang mataas para sa mga consumer,” ani Cainglet. RNT/JGC