Home HOME BANNER STORY DOJ kay Quiboloy: Sumuko ka nang walang kondisyon

DOJ kay Quiboloy: Sumuko ka nang walang kondisyon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) ang kaligtasan ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa sandaling sumuko ito sa batas.

Iginiit rin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang karapatan si Quiboloy na magpataw ng kondisyon sakalonf magdesisyun ito na sumuko.

“He must surrender not according to his terms but according to the terms of the law. The law applies to all, without exception.”

Ang mga kaso laban aniya kay Quiboloy ay hindi simple kundi malubha at kasuklam-suklam na mga paglabag sa batas.

Hinamon rin ng kalihim si Quiboloy na patunayan na inosente ito sa mga kaso at para matubos nito ang sarili, dahil walang sinuman ang mas mataas sa batas.

“Argue your charges before the Court where you remain the accused, tell the naked truth, that way you can redeem yourself.”

Iginiit ng DOJ na ang kaso laban kay Quiboloy ay malakas at may direktang ebidensya na mauugnay sa lahat ng elemento ng mga kasong isinampa.

Una nang naglabas ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court (RTC) laban kay Quiboloy dahil sa paglabag sa Republic Act (R.A.) No. 7610 o ang Anti-Child Abuse Law.

Samantala, hinihintay pa ng DOJ na mailabas naman ng Pasig RTC ang isa pang warrant of arrest para sa kasong qualified trafficking. Teresa Tavares