Home NATIONWIDE La Mesa Ecopark muling bubuksan sa Hunyo

La Mesa Ecopark muling bubuksan sa Hunyo

MANILA, Philippines – Muling bubuksan ang La Mesa Ecopark sa Hunyo, sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) nitong Lunes, Abril 8.

Matatandaan na isinara ang ecopark noong Pebrero 12 matapos na ipasa ng ABS-CBN Foundation ang pangangasiwa nito sa MWSS.

Sa loob ng 25 taon ay pinangalagaan ng ABSCBN Foundation ang naturang ecopark.

Sa pahayag, sinabi ng MWSS na isasailalim ang parke sa rehabilitasyon ‘in phases.’

Ang unang phase ay ang pagbibigay ng mas maayos na access sa publiko katulad ng Eco Academy Pavilion, museum, team building activity centers, picnic areas, souvenir shop, viewing deck, at swimming pool.

Ang ikalawa at ikatlong phase naman ay magpapatuloy sa oras na magbukas na ang ecopark, sakto para sa World Environment Day para makumpleto ang pagbuhay ng ecopark.

Sinabi ng Manila Water na magkakaroon ng environmental awareness attractions sa loob ng park.

“The La Mesa Ecopark will be a place to commune with nature without traveling far,” ani Manila Water President Jocot de Dios. RNT/JGC