Home NATIONWIDE 2 barko ng China bumuntot sa joint patrol sa WPS – DND

2 barko ng China bumuntot sa joint patrol sa WPS – DND

MANILA, Philippines – Binuntutan ng dalawang barko ng China ang isinasagawang joint patrol ng Pilipinas at dalawang kaalyado nito, sa West Philippine Sea nitong Linggo, Abril 7.

Ito ang kinumpirma ni Department of National Defense spokesperson Arsenio Andolong sa panayam ng DZRH nitong Lunes, Abril 8.

Wala pang ibinibigay na kumpletong detalye kaugnay nito.

Matatandaan na idinaos ang kauna-unahang joint maritime exercises ng Pilipinas, Estados Unidos at Australia sa exclusive economic zone ng bansa. RNT/JGC