Home HOME BANNER STORY Nationwide state of calamity sa El Niño ‘di kailangan – PBBM

Nationwide state of calamity sa El Niño ‘di kailangan – PBBM

200
0

MANILA, Philippines – Hindi nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na ideklara ang nationwide state of calamity dahil sa El Nino.

Sa ambush interview, tinanong si Marcos patungkol sa mga probinsya na nagdeklara na ng state of calamity dahil sa tagtuyot, na pinalala ng El Nino phenomenon.

Aniya, iba-iba ang epekto sa bawat probinsya, kaya’t kailangan itong pag-usapan ng pamahalaan sa regional level.

“Hindi naman pwede shotgun lang, parang one size fits all. So we look at each area and see what it is that they need. So that’s the way we are handling the local states of calamity that the local governments have declared,” ani Marcos.

Sinabi rin ng Pangulo na gumawa na ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan katulad ng pagtatayo ng mga dam at pag-develop ng irrigation systems.

Ilang probinsya na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Nino sa agrikultura at kakulangan ng tubig. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here