Home NATIONWIDE Court execs balak ihabla ni Gadon sa paghatol sa kanya na guilty...

Court execs balak ihabla ni Gadon sa paghatol sa kanya na guilty sa perjury

MANILA, Philippines- Sinabi ni Presidential anti-poverty czar at disbarred lawyer Larry Gadon nitong Huwebes na sinisilip niyang maghain ng impeachment case laban sa court officials na lumagda sa kautusang nagsasabing guilty siya sa perjury at pinagmumulta siya ng P150,000.

Si Gadon ay hinatulan ng Supreme Court (SC) na guilty sa gross misconduct dahil sa perjury at pag-akusa base sa “hearsay.”

“I am waiting for the official copy of the decision of the SC, so I can study if I might file an impeachment case against those who signed the order,” ani Gadon.

Iginiit niya na walang hurisdiksyon ang SC sa kanyang kaso laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, dahil inihain ito sa House of Representatives.

“The SC has no power to declare any allegations therein as true or false,” giit ni Gadon.

Subalit, sinabi ng SC na may hiwalay na kasong isinampa laban sa kanya sa Integrated Bar of the Philippines na humirit ng kanyang disbarment.

“The Court found that Gadon committed perjury for making allegations in his impeachment complaint not based on his personal knowledge or on any authentic records, contrary to his sworn guarantee in the Verification attached to his complaint.”

“Gadon knew that he never had any personal knowledge nor any authentic document to support the accusation that Sereno falsified a TRO (temporary restraining order) of the Court,” base pa sa SC. RNT/SA