Home NATIONWIDE Court ops sa mga lugar na hahagupitin ni Marce, itinigil ng SC

Court ops sa mga lugar na hahagupitin ni Marce, itinigil ng SC

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Supreme Court ang operasyon ng mga korte sa ilang lugar sa Northern Luzon bunsod ng hindi magandang panahon dahil sa bagyong Marce (international name: Yinxing).

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, kabilang sa mga sinuspinde ang work operations ay ang Regional Trial Court at lahat ng first level courts sa Aparri at RTC, 1st at 2nd Municipal Circuit Trial Courts sa Sanchez Mira sa Cagayan, lahat ng korte sa Batanes at lahat ng korte aa Candon City at Tagudin sa Ilocos Sur.

Una nang iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na patungo ang bagyong Marce sa northeastern part ng Cagayan at inaasahang mag landfall ngayong araw o biyernes ng umaga.

Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ay nakataas na sa northern portion ng mainland Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kabilang ang Babuyan Islands, northeastern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol) at Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos). Teresa Tavares