Home NATIONWIDE CPP-NPA mananatiling terorista – ATC

CPP-NPA mananatiling terorista – ATC

MANILA, Philippines – Mananatili ang bansag na isang terrorist organization ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Batay sa Anti-Terrorism Council (ATC) Resolution No. 53, mananatili rin ang pagbansag bilang terorista sa Islamic State East Asia (ISEA) at sa iba pang Daesh-linked o kaalyadong grupo na nasa Pilipinas.

Ayon sa ATC, ang CPP-NPA o New People’s Army ay patuloy na ituturing na isang terror group hanggat patuloy ito na nakikipagpalaban sa puwersa ng Pilipinas at naghahasik ng kaguluhan at takot sa mamamayan.

Nabatid na nasa 200 kaso ng kasamaan ang naitala mula December 2020 hanggang August 2023.

Kabilang dito ang pagpatay sa football player na si Kieth Absalon na nasawi dahil sa improvised explosive device na sumabog sa Masbate City noong 2021 at ang mga pag-atake sa lungsod kaya nasuspinde ang klase aa apat na munisipalidad.

Binanggit din ng ATC ang 54 na kaso ng paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suspension Act of 2012, Anti-Terrorism Act (ATA) at 478na nakabinbin na kaso sa korte batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) as of December 31, 2023.

Samantala, ang pananatili sa ISEA at iba pang may kaugnayan sa Daesh gaya ng Abu Sayyaf, Maute, Maguid, Turaifie, Hassan at ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ay dahil sa patuloy na pagkakadawit sa terrorist activities na labag sa Anti Terrorism Act.

Samantala, idineklara rin ng ATC si Elizabeth Pineda Principe, peace consultant ng National Democratic Front (NDF) bilang isang terorista.

Ayon sa ATC nay sapat na bataya upang ideklarang terorista si Principe base sa mga kumpirmadong impormasyon at ebidensya na nakalap ng militar at iba’t ibang law enforcement agencies. Teresa Taveres