Home NATIONWIDE Crackdown vs fake cigars; P26B talo sa govt, health risks

Crackdown vs fake cigars; P26B talo sa govt, health risks

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Rommel Francisco D Marbil, ang nationwide crackdown sa mga peke at smuggled cigarettes base sa ulat na P25.5 bilyon ang nawawalang kita ng pamahalaan bunga nito. Apektado na rin aniya, ang kabuhayan ng tobacco farmers at kalusugan ng publiko.

“I have directed all concerned police units to intensify the crackdown against fake and smuggled cigarettes. The PNP is committed to eradicating the illicit cigarette trade that not only undermines government revenues but also poses serious health risks to the public. Our intensified efforts will include heightened surveillance, stricter border controls, and coordinated operations with other law enforcement agencies,” pahayag ni Marbil.

Ayon sa ulat ng Bureau of Internal Revenue, ang paglipana ng mga peke at smuggled na sigarilyo ay nagdulot ng ‘15.9 percent’ pagbaba sa kita ng pamahalaan noong 2023, na nagkakahalaga ng P25.5 billion lugi ng sumunod na taon.

Mula January hanggang April lamang ng taon na ito, iniulat ng BIR ang P6.6 billion na pagkalugi ng pamahalaan.

“The battle against counterfeit and smuggled cigarettes is not just a fight for revenue or law enforcement; it is a crusade to safeguard the health of our people and ensure economic stability. We will not rest until every illicit operation is dismantled, every counterfeit product seized, and every violator brought to justice,” pagdidiin ni Marbil.

“Our goal is clear: we will safeguard our country from the evils of this illicit trade that comes as an affront to the welfare of small farmers and their dependents. We are committed to bring its purveyors to justice, no matter who or what they are,” dagdag pa ng PNP opisyal.

Upang masawata ang ganitong pangyayari, inirekomenda ng BIR ang maigting na kampanya laban dito katuwang ang pagpapatupad ng mga tamang buwis.

Ang kautusang ito ng
PNP Chief ay bunsod na rin ng sunod-sunod na matagumpay na pulis operations sa Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, at Zamboanga City, kung saan may mga naarestong indibidwal at pagkumpidka ng mga prke at smuggle na sigarilyo na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Iniulat ng Police Regional Office 9 lamang, na nakapag-kumpiska na sila sa kanilang anti-smuggling operation noong June 9 hanggang 12 ng mga sumusunod na sigarilyo – 30 master cases ng Canon; 35 master cases ng Thunder; 34 master cases ng Dunston; 47 master cases ng Berlin; isang Orange Mitsubishi Forward aluminum van (tractor head); 14 boxes ng smuggled Modern, Boston and Berlin cigarettes; 25 Rims ng “San Diego” cigarettes; 10 large sized boxes containing 1,480 rims ng assorted suspected smuggled cigarettes; 816 reams ng B&R Cigarettes; 450 reams ng ASTRO Cigarettes at 100 reams ng Fort cigarettes.

Pinapurihan naman ni Gen. Marbil, ang masigasig na pagtutok ng law enforcers at Bureau of Customs sa mga pagpasok ng mg kontrabando sa bansa at sinabing malaki itong tulong upang masawata ang panganib na amba sa kalusugan ng publiko.

Nanawagan din ang PNP Chief sa publiko na makipag-ugnayan sa mga otoridad at ipag-bigay alam agad ang kanilang impormasyon sa PNP dedicated hotlines. RNT