ISANG malaking rebelasyon ang ibinahagi ni Manny Pacquiao ukol sa kanyang karaniwang problema sa cramps na humahadlang sa kanyang mga laban sa loob ng 20 taon.
Ayon sa kanya, labis na masahe sa mga binti ang sanhi nito.
“Bugbog ‘yung muscles. Umaga, tanghali, gabi, minamasahe. Kaya nagka-cramps,” ani Pacquiao. Kaya naman isang linggo bago lumipad patungong Las Vegas, itinigil na niya ang madalas na pagpapamasahe.
Matagal nang problema ng boxing legend ang leg cramps mula pa sa una niyang laban kay Juan Manuel Marquez.
Aniya, parang dalawa ang kalaban niya sa bawat laban, ang katunggali, at ang sarili niyang cramps.
Inamin ni Pacquiao na matagal bago niya nadiskubre ang sanhi ng kanyang problema.GP/JC