Home NATIONWIDE Credentials ng 8 bagong non-resident envoys tinanggap ni PBBM

Credentials ng 8 bagong non-resident envoys tinanggap ni PBBM

MANILA, Philippines- Umaasa si Pangulong Marcos sa paglago ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at walo pang bansa sa pagtanggap niya ng credentials ng kanilang non-resident ambassadors sa Malacañan Palace.

Sa video reel na naka-post sa Facebook page nitong Biyernes, makikitang tinatanggap ng Pangulo ang credentials mula sa ambassadors. Kasama niya si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo.

“As I received the credentials of non-resident ambassadors from Kenya, Cyprus, Guinea, Micronesia, Slovakia, Uruguay, Equatorial Guinea and Nicaragua, we spoke about our shared commitment to enhancing our partnerships in areas like trade, renewable energy, and people-to-people ties,” anang Chief Executive sa post.

Sinalubong ni Marcos ang foreign envoys noong Huwebes, kung saan inihayag niya ang pag-asang makikita ang paglalim ng kooperasyon ng mga bansa sa hinaharap.

“There is great potential for cooperation that will bring meaningful benefits to both our countries, and I look forward to seeing our collaboration grow stronger in the years to come,” dagdag ni Marcos.

Kabilang sa mga nagpresenta ng kanilang credentials sina Ambassadors Galma Mukhe Boru ng Kenya, Nicholas Panayiotou ng Cyprus, Moussa Fanta Camara ng Guinea, at John Fritz ng Micronesia.

Tinanggap din ng Pangulo ang credentials nina Ambassadors Tomas Ferko ng Slovakia, Cristina Gonzales ng Uruguay, Mauricio Mauro Epkua Obama Bindang ng Equatorial Guinea, at Mario Jose Armengol Campos ng Nicaragua. RNT/SA