Home NATIONWIDE Crew ng bangkang pangisda sa Negros, nawawala

Crew ng bangkang pangisda sa Negros, nawawala

144
0

MANILA, Philippines – Pinaghahanap na ng Philippine Coast Guard (PCG)-northern Negros Occidental ang crew ng isang bangkang pangisda na napaulat na nawawala sa dagat sa pagitan ng Cadiz City, Negros Occidental at Balidian Island, Concepcion, Iloilo nitong Sabado, Agosto 3.

Ayon kay Commander Jansen Benjamin, pinuno ng PCG-northern Negros Occidental, iniulat ng may-ari ng bangka ang insidente sa PCG matapos siyang sabihan ng kanyang mga crew member na ang isa nilang kasamahan ay hindi makita.

Ani Benjamin, huling nakita si Leodigario Brosas, 24, ng Victorias City, Negros Occidental, na natutulog sa bangkang pangisda matapos ang kanilang fishing venture noong Biyernes.

Naniniwala si Brosas na posibleng nahulog sa bangka ang biktima at napansin na lamang ng mga kasamahan nito na nawawala na si Brosas nang pabalik na sa Victorias City.

Naghihintay pa sila ng mga pahayag ng iba pang crew members tungkol sa insidente at inalerto na rin ang iba pang barko na dumaraan sa lugar na sabihin kung makikita nila si Brosas.

Inabisuhan na rin umano ang iba pang PCG sub-stations sa posibleng sightings. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here