Home NATIONWIDE Kasagraduhan ng kasal paiigtingin ng Canon Law Society

Kasagraduhan ng kasal paiigtingin ng Canon Law Society

161
0

MANILA, Philippines – Puspusan ang pagkilos ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) upang mapaigting ang kamalayan ng bawat Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya sa bansa.

Magsasagawa ng panibagong serye ng online forum ang SCAD upang talakayin ang paninindigan at posisyon ng Simbahan sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa bansa bilang tugon sa patuloy na tangkang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.

Pangungunahan ni Canon Law Society of the Philippines Secretary Rev. Fr. Jaime B. Achacoso, JCD ang Online Forum on Canon Law on Marriage and the Divorce bill na may titulong “Trusting Church Wisdom on Void Marriages.”

Nakatakda ang online forum sa ika-10 ng Agosto, 2024 ganap na alas-dos hanggang alas-kwatro ng hapon na maaaring masubaybayan sa pamamagitan ng Facebook page ng Family and Life Commission – Diocese of Novaliches na isa sa nagsisilbing convenor ng Super Coalition Against Divorce (SCAD).

Layon ng talakyan at diskurso na higit na mapalalim ang pagpapahalaga ng bawat isa sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya bilang kongretong hakbang laban sa isinusulong na pagsasabatas ng absolute divorce sa Pilipinas.

Inaasahan ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang pakikibahagi at pagsubaybay sa talakayan ng mga mag-asawa gayundin ng mga kabataan upang higit na mamulat ang kamalayan sa kasagraduhan ng sakramento ng matrimonyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here