Home NATIONWIDE Criminal investigation manual inilunsad ng PCG

Criminal investigation manual inilunsad ng PCG

MANILA, Philippines- Mayroon nang komprehensibong gabay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa tamang pamamaran at jurisprudence sa criminal investigation kasunod ng paglulunsad ng manual nitong Biyernes.

Idineklara ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang manual, na nilalayong maging gabay para sa law enforcement officers — na epektibo simula sa Biyernes.

Aniya, ang mandato ng PCG ay hindi limitado sa pagpapatupad ng maritime safety regulations dahil ang ahensya ay may tungkulin ding tumulong sa pagpapatupad ng lahat ng batas.

Ginawa ng Coast Guard Investigation and Detection Management Service (CGIDMS) ang manual sa pakikipagtulungan sa Canada Border Services Agency (CBSA) upang matiyak na ang mga pagsisiyasat ay ginagawa nang sistematiko at ganap na sumusunod sa batas.

Sinabi ng PCG na inaako nito ang responsibilidad na magsampa ng mga kaso sa korte at pamahalaan ang mga kasong kriminal sa loob ng nasasakupan nito.

Ang manual ay ibibigay sa lahat ng PCG operating units “upang matiyak ang pagkakapareho at mahigpit na pagsunod sa mga itinatag na protocol.”

Sinabi ni Gavan na nagboluntaryo ang Philippine Ports Authority (PPA) na magkaloob ng mga custodial center, kabilang sa mga kinakailangan para ganap na maipatupad ang manual.

Ang manual ay nilagdaan at ipinahayag sa isang seremonya na dinaluhan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, Department of Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz at CBSA Operations Liaison Assistant April Rose Dela Cruz. Jocelyn Tabangcura-Domenden